Thursday, April 17, 2014

Pressure


Paano ka ba naging tatay? Nakajontis ka ba ng maaga dahil matigas ang ulo mo? Sinadya mo ba ito para mabakuran ang magandang gelpren mo? feeling mo ba kasi authomatic kailangan magka-anak pagkatapos ikasal? O baka naman na PRESSURE ka lang kasi pag bukas mo ng facebook at instagram, halos lahat ng ka batch mo nung highschool, college, kapitbahay ay nagpopost ng ultrasound photos or baby photos? Sana hindi pressure ang dahilan, pero kung ano man yun sana masaya ka ngayon at enjoy  sa iyong chikiting! Minsan badtrip dahil wala ka ng tulog halos sa kakagising sa madaling araw sa kakaiyak ng bata. Swerte nga nung iba may tagapag alaga, kami kasi ng misis ko wala, kaya alternate kami sa pagpapadede. Pero sulit naman,diba? lalo na pag uwi mo sa bahay makikita mo si baby at kakargahin mo na, tanggal lahat ng pagod at kabadtripan sa balat mo. :) Iba ang feeling. Hindi mo na namamalayan na unti-unti ng binabago ang pagkatao mo ng munting anghel na sa ano mang dahilan naboo ay alam mong mahal mo.

Wednesday, April 16, 2014

First!

O bago manghusga, papaalam ko lang na hindi ako manunulat o columnista, ang naaalala ko lang na karanasan sa pagsusulat ay noong gumagawa ako ng mga palpak na "Formal Theme" nung Highschool at syempre pag gumagawa ako ng "lab letter" sa misis ko. Ginagawa lang ito para ma document at masubaybayan ang sarili ko bilang isang tatay lalo na sa modernong kasaysayan kung saan umiikot ang mundo sa "Social Media" at mga bagong "Gadgets", wala akong paki kung may magbasa nito o wala so relaks lang tayo (ako pala), share share lang kung ano ginagawa natin sa araw araw. O mamaya ulit, may nagugutom na bulinggit!