Thursday, April 17, 2014

Pressure


Paano ka ba naging tatay? Nakajontis ka ba ng maaga dahil matigas ang ulo mo? Sinadya mo ba ito para mabakuran ang magandang gelpren mo? feeling mo ba kasi authomatic kailangan magka-anak pagkatapos ikasal? O baka naman na PRESSURE ka lang kasi pag bukas mo ng facebook at instagram, halos lahat ng ka batch mo nung highschool, college, kapitbahay ay nagpopost ng ultrasound photos or baby photos? Sana hindi pressure ang dahilan, pero kung ano man yun sana masaya ka ngayon at enjoy  sa iyong chikiting! Minsan badtrip dahil wala ka ng tulog halos sa kakagising sa madaling araw sa kakaiyak ng bata. Swerte nga nung iba may tagapag alaga, kami kasi ng misis ko wala, kaya alternate kami sa pagpapadede. Pero sulit naman,diba? lalo na pag uwi mo sa bahay makikita mo si baby at kakargahin mo na, tanggal lahat ng pagod at kabadtripan sa balat mo. :) Iba ang feeling. Hindi mo na namamalayan na unti-unti ng binabago ang pagkatao mo ng munting anghel na sa ano mang dahilan naboo ay alam mong mahal mo.

No comments:

Post a Comment